Masayang ibinahagi ng actress na si AJ Raval ang kanyang panibagong achievement sa kanyang mga fans.
Sa kanyang latest Facebook post, ibinahagi ni AJ Raval ang kanyang larawan habang nakasuot siya ng toga. Sa caption binati niya ang kanyang sarili at ang kanyang mga kasamang nakapagtapos sa ALS.
Nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang mga guro. Pinasalamatan din niya ang mga ito at maging ang paaralan kung saan sila nakapagtapos.
"Congratulations po sa ating lahat ALS Learners 🎊
Sa aking guro na si Sir Jay Gopez , maraming salamat po sa pag titiyaga saamin hanggang dulo ❤️
at sa pamunuan po ng ALS SAN FERNANDO PAMPANGA DIVISION
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG ADBOKASIYA AT MABUHAY PO KAYO."
Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa aktres.
Matatandaan na nasangkot sa matinding kontrobersiya si AJ Raval kung saan nakatanggap siya ng labis na pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa pagiging kabit niya ni Aljur Abrenica.
Subalit, pinabulaanan naman ito nina AJ Raval at maging ni Kylie Padilla na asawa ni Aljur Abrenica.
Sa ngayon ay hayagan na rina ng kanilang relasyon sa mga netizens matapos nila itong aminin noong February 14, 2023.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!