Sa kamakailang guesting ng komedyanteng si AiAi Delas Alas sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk with Boy Abunda, isiniwalat niya ang kanyang saloobin patungkol sa pagiging cougar o pagiging isang sugar mommy.
Kabilang sa mga naitanong ni Boy Abunda kay AiAi Delas Alas kung may tumatawag na ba sa kanya na isang sugar mommy dahil sa agwat ng edad nila ng kanyang mister.
“Natawag ka na bang sugar mommy sa buong buhay mo?”
Agad naman itong sinagot ni AiAi Delas Alas at sinabing hindi pa naman umano siya natawag na cougar.
Tila nagulat naman si Boy Abunda at naipahayag niyang masakit na matawag na isang cougar.
“Ah talaga? But that’s painful,” pahayag ni Boy Abunda.
Dahil dito, nilinaw ni AiAi Delas Alas kay Boy Abunda kung masakit ba para rito na matawag na cougar.
“Is it painful?”
Inamin naman ni Boy Abunda na para sa kanya ay masakit matawag na cougar.
Subalit, tila iba ang pananaw ni AiAi Delas Alas sa pagtawag sa kanyang cougar.
“I think for me, it’s not painful because first, I can’t understand what a cougar is. Char!”
Dagdag pa ni AiAi, ang edad ang numbers lamang kaya tila hindi siya naapektuhan sa pambabash sa kanya dahil sa pag-aasawa niya ng mas bata.
“Age is just a number.”
Matatandaan na tumaas ang kilay ng ilang mga netizens kay AiAi Delas Alas nang magpakasal siya sa kanyang mister ngayon na si Gerald Sibayan.
Marami sa mga netizens ang nagsasabing pera lamang ang habol sa kanya ng lalaki. Subalit sa kabila nito, pinagpatuloy ni AiAi ang kanilang relasyon.
Sa ngayon ay masaya naman ang komedyante sa piling ng kanyang mister.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!