Ikinagulat ng maraming netizens ang biglaang pagpanaw ng actor vlogger na si Kennedy Nakar sa edad na 24.
Ang nakakalungkot na balita ay isiniwalat ng kanyang karelasyon na si Paul Cervantes. Kung saan ayon rito, tuluyang namaalam si Kennedy Nakar noong July 25, 2023.
Si Kennedy Nakar ay namaalam ng maaga matapos ang isang buwan na pakikipaglaban sa isang uri ng leukemia.
Ibinahagi rin ni Paul Cervantes sa kanyang Instagram post ang mensahe niya para sa pumanaw na boyfriend.
“Baby, kanina naka simangot ka kase alam naming gusto mo ng mas magandang garden, Ayan na. Sana happy ka dyan na pinapanuod kame. Mahal na mahal ka namin sobra! Hinding hindi ka namin makakalimutan,” pahayag ni Paul.
Matatandaan na noong June, unang isiniwalat ni Kennedy na nadiagnosed siya na may isang rare type Acute Myeloid Leukemia dahil umano sa aggresibong pagkalat ng kanyang sakit, kinakailangan niyang maconfine sa hospital.
“I’ve been diagnosed with an Acute Myeloid Leukemia, a very rare but an aggressive one. My Hematologist doctor said, chemotheraphy is the only way to treat this and must be done as soon as possible!”
Palagi rin nagbibigay ng update ang aktor hinggil sa lumalala na niyang kondisyon habang nasa hospital.
“Gusto ko matulog pero di ako makatulog. Gusto ko sana magpahinga kahit ilang oras lang pero di ko magawa, maya-maya ay komportable ako sa isang lugar at posisyon ng hospital bed pero after ilang minuto kakapusin na naman ako ng hininga.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!