Actor Director Na Si Ricky Rivero Puman@W Sa Edad Na 51!

Linggo, Hulyo 16, 2023

/ by Lovely


 Isang nakakalungkot na balita, actor-director na si Ricky Rivero bigla na lamang pumanaw nagayong araw, July 16, 2023.


Si Ricky Rivero ay nakilala dahil sa show na That's Entertainment siya ay kasalukuyang 51 years old. Malungkot na ibinahagi ng asawa ng aktor ang nakakalungkot na balitang ito sa pamamagitan ng isang social media post sa mismong social media account ni Ricky.


Ibinahagi nito ang isang throwback photo na magkasama silang sweet sa iisang larawan. Isinulat naman niya sa caption ang kanyang mensahe ng pamamaalam.


"asawa pahinga ka na wala ka nang sakit na mararamdaman salamat sa isang taong pagsasama, isang taong pag aaway, isang taong kasiyahan. maraming salamat sa lahat asawa. mahal na mahal kita."


Noong buwan ng Mayo nang isugod sa hospital si Ricky Rivero dahil sa stroke. Naratay siya sa Philippines Heart Center ng ilang linggo dahil sa mga complications na dala ng kanyang karamdaman.


Doon na rin niya ipinagdiriwang ang kanyang 51st birthday. Sa kabila ng kanyang kondisyon, nakakapagbigay pa rin siya ng mga updates sa kanyang mga tagahanga.


Naibahagi pa noon ni Ricky Rivero na naging paralisado na ang ilang bahagi ng kanyang katawan kaya hindi pa siya nakakalakad.


Hindi ito ang unang pagkakataon na isinugod sa hospital si Ricky Rivero, naisugod na siya noon sa hospital dala ng atake sa puso.


Sumailalim siya noon sa Angioplasty procedure. Naging matagumpay naman ang nasabing procedure dahil matagal rin siyang hindi naospital.


Samantala, nakatakdang ilagak ang mga labi ni Ricky Rivero sa Loyola Memorial Chapel, sa Commowealth Ave. Quezon City.


Binabalak naman ng kanyang pamilya nai-cremate ang kanyang labi matapos ang apat na araw na burol.


Marami naman ang nagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Ricky, isa na rito ang kanyang tiyuhin na si Philip Salvador.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo