Grabe Pala Ang Bangungot Na Naranasan Ni Claudia Koronel Sa Kanyang Exhusband!

Miyerkules, Abril 12, 2023

/ by Jerome

 


Dating actress at sexy star na si Claudia Koronel isiniwalat ang naranasan niyang bangongot sa kamay ng kanyang estrange Husband na isang Chinese American business man sa America.


Kung matatandaan ay marami ng gumawa ng featured story ni Claudia Koronel noon.


Ang inakala ng marami na magandang relasyon ng mag-asawa ay hindi pala maganda at hindi tunay.


Dahil sa relasyon niya na ito sa kanyang ex-husband ay naranasan niyang magpatiwakal ng mga ilang beses, at nagmakaawa daw siya na huwag siyang iwan ng kanyang asawa.


Ngunit ang masnakakagulat ay ang mga naging rebelasyon  niya sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon sa mismong kuwento ng dating sexy star sa isang panayam na tatlong taon lang daw silang nagsama ng kanyang dating asawa.


Ang akala daw kasi niya ay aabot sila ng mahabang panahon dahil yun naman daw talaga ang layunin niya sa pag-aasawa, upang makasama sa habang buhay ang lalaking mamahalin niya at mahal siya.


Ngunit siya daw ay nagkamali, dahil sa hiniwalayan siya ng kanyang asawa dahil sa tumanggi siyang pumerma sa isang kasundoan na wala siyang makukuha sa kahit anong kayamanan at pera ng kanyang asawa.


Samantala noon paman daw ay nakita na niya ang last will and testament ng kanyang dating asawa.


Doon nga ay napag-alaman niya na lahat ng mga ari-arian at kayamanan nito ay mapupunta sa ina nito at sa kapatid nitong babae.


Hindi niya daw umano na kita ang kanyang pangalan sa last will ng kanyang ex-husband.


Ang buong akala daw niya umano na dahil sa hindi siya pumirma sa agreement ay magbabago ang kanyang asawa at hindi na ipagpapatuloy ang hinggil dito.


Pero makalipas daw ang tatlong taon ay madalas na daw silang mag-away at hinahamon siyang magdivorce.


Ilang beses daw din umano siya sumubok magpatiwakal paraan niya daw umano iyon para kaawaan  siya ng kanyang asawa upang hindi siya tuloyang iwan.


Pero hindi daw ito na awa sa kanya at tuloyan siyang hiniwalayan at ang dahilan daw ay upang maprotektahan daw ng lalaki ang kayamanan nito mula sa kanya.


Matapos ang kanilang divorce ay hindi parin siya pinapaalis nito sa bahay at patuloy parin silang nagdedate, kalaunan na pag-isip-isip niya na tila ginagamit lang siya ng lalaki at ang nais lang nito ay wala silang commitment sa isa't-isa.


Kaya naman mula doon ay pinilit niyang umalis sa puder ng lalaki at para makapag move-on na rin.


Siya ay namumuhay ngayon na mag-isa sa America at siya ay nagtatrabaho ngayon doon bilang isang caregiver.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo