May pinagsisisihan ba si K Brosas na mas pinili niyang magpa-interview kay Toni Gonzaga-Soriano sa kanyang YouTube channel na "Toni Talks" kaysa sa "Ogie Diaz Showbiz Update?"
Naitanong namin ito dahil inimbitahan ni Ogie si K Brosas na makapanayam para sa kanyang YT channel na "Showbiz Update" na mayroong 810,000 subscribers pero mas pinili ng TV host-comedienne ang "Toni Talks" na mayroong 6.59 million subscribers.
Totoo rin na kung gusto mo ng exposure, doon ka sa mas maraming subscribers para malaki ang view.
Kaya lang nawala ang video interview ni K Brosas sa YT channel ni Toni? Anong nangyari?
May kinalaman ba ito sa isyung sinuportahan nila ang ibang presidente noong eleksyon?
Si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na suportado ni Toni at dating Bise Presidente Leni Robredo na ikinampanya ni K Brosas.
Maaring tinago ang opinyon ni Ogie na napag-usapan nila ni Mama Loi sa kanilang vlog together ni Ate Mrena dahil magkaiba sila ng paniniwala noong nakaraang eleksyon.
Sabi naman ni Mama Loi, “At what point nawala ‘yung interview kasi wala naman tayong narinig na malaking isyu o balita na di pagkakaunawaan nu’ng dalawa, di ba?”
At saka naalala ni Mama Loi na inimbitahan ni Ogie si K Brosas sa kanilang "Showbiz Update" vlog. “Ay teka ‘Nay, di ba si K Brosas dapat magpapa-interbyu sa ‘yo?”
Tumango lang si Ogie, “Ayun nakita ko kay Toni.”
Say ni Mama Loi, “Ha? Talaga?”
“E, siyempre hindi na ako nag-insist ‘no? Si Toni ang pinagbigyan hindi naman ako. Pero hindi rin naman para sumama ang loob ko kay K Brosas, magkaibigan pa rin naman kami.
“Ganu’n lang naman ‘yun kanya-kanyang choices kung kanino ka magpapa-interview at wala namang pilitan.
“Pero siyempre ‘yun nga ang tanong ni K, bakit nawawala ‘yung interview niya kay Toni Gonzaga? Sabi naman ni K, ‘hayaan mo na baka may dahilan sila kung bakit nilka hinayd ‘yung interview ko,” paliwanag ng content creator-host at talent manager.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!